• Colboy



    9:00 PM, nakauwi na rin ako sa wakas galing sa job interview. Grabe talaga sa Makati. Imagine, nakarating ako ng Ayala MRT station ng 6:30 PM tapos nakasakay ng ako ng bus mga 8:00 PM na! Naloka ako at feeling ko nabawasan ng 5 inches yung legs ko sa kakatayo sa paghihintay ng bus.



    Pero sa wakas nasa kanto na ako ng subdivision namin. Isang bonggang-bonggang cartwheel lang eh sure na sure ako na sa maglaland ako sa tapat ng gate namin tapos pagbubuksan ako ng butler. *LOL*



    Yun na nga malapit na ako sa house (Shutengineh paulit-ulit?). Pero dahil nga pagodachi ako eh nag-decide ako na mag-stop-by muna sa 7/11 ay mag-buysung ng something to drink. Habang sumasahod ng drinkabels, napansin kong may otoko sa gilid ko. At sa mga hindi nakaka-alam, ang mga beki ay  may talent na kumilatis ng lalake kahit sa gilid lang ng paningin ito tinitignan. Well, hindi ko naman talaga alam kung lahat ng beki ay ganon talaga pero ako oo. Talent ko yun.


    Okay, back to the story. May lalaki nga sa gilid ko at ramdam na ramdam ko na nakatingin sa akin. So tinignan ko naman s’ya at confirm, nakatingin nga ang otoko sa akin, at may fez nga s’ya. So ang malanding ako, ay hindi pinalampas ang pangyayari. Smile naman akembang with matching liit-liitan ng mata. Koreana ako sa aking isip at that moment.

    So nag-smile back ang boylet at approach na s’ya sa akin (Ang ganda ko eh!). So, paysung na ako ng drink ko sa counter at exit na ako kasunod si boylet. Nung tumingin ako sa kanya, naka-smile parin s’ya. Eh ano pa ba ang gagawin ko? Eh di nag-smile din ako, sabay subo ng straw at higop ng bonggang-bongga.

    “Ang aga pala nagsasara ng Chever-chever* no?” Sabi n’ya habang lalo n’ya pinatatamis ang kanyang ngiti.

    “Ah oo kasi wala naman masyadong tao” Tugon ko naman.

    “Wala kasing magawa eh. Gusto mo punta tayo sa Sogo?”

    Muntik ko na maibuga yung iniinom ko. Naloka ako! Hindi ako ready! Syempre dahil nagulantang ako, hindi ako nakasagot agad at inisip ko kung tama ba yung narinig ko.

    Nakita n’ya siguro na nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. Lumapit pa s’ya ng kaunti sa akin. “Sige na mura lang naman.” Bulong niya.

    SHUTENGINA!!! Nag-huhumiyaw ang damdamin ko sa mga pangyayari. Sabi ko na nga sa’yo wag mong kapalan ang foundation mo! Yan tuloy napagkamalan kang sugar-mommy! Warlah ang isip ko teh! Kahit nagwawala na ang akin isip, pinilit kong mag-mukhang normal sa labas. Inisip ko nalang na dahil sa kagandahan ko ngayong gabi ay napagkamalan n’ya akong mapera.

    “Haha!” pilit na pilit ang tawa ko. “Wala naman kasi akong pera ngayon kasi wala pa akong trabaho”. Yun naman yung totoo. Pero sa loob ko, sobrang hinayang kasi sobrang gwapo n’ya talaga. Hindi s’ya maputi pero makinis; ang mukha ay may hawig kay Marco Alcaraz; halos magkasing tangkad kami (5’9” ako); at ang katawan, shet! Hindi ka magsasawang lawayan buong magdamag. *LOL*

    So pinilit-pilit n’ya parin ako pero ganun parin ang sagot ko hanggang nagyaya nalang s’ya sa Plaza at tumambay kasi sobrang bored nga s’ya. So pamasahe nalang ang sagot ko. Homaygad! Sugar mommy and drama ko ngayong gabi. At ease naman ako kasi yung tryke driver eh from the neighborhood at ang Plaza naman ay safe place so hindi ako matetegi or manyonyoldap ni Otoko.

    Pagdating sa Plaza, umupo lang kami sa bench at nag-kwetuhan. Wala na ang mga ngiti pero ang feeling ay napaka-light. Ganda-gandahan parin ang lola kasi ang mga beki ay mega tingin sa akin at sa kanya. Para kasi kaming mag-jowa. Hihihihihi.

    Nalaman ko na bisexual pala talaga s’ya at sa pag-uusap namin, na isip ko na hindi pala s’ya yung stereotype ng colboy na napapanood ko sa tv, na walang makain ang pamilya kaya napilitang magbenta ng sarili. Nalaman ko na pareho kaming fan nila Paolo Coelho at Sophie Kinsella, which made him very very gay. At marami pa s’yang mga author na binaggit na hindi ko mga kilala. Marami pa s’yang nabanggit na bagay-bagay na hindi ko inexpect na manggagaling sa kanya.

    “Grabe naman! Mas mayaman ka pa yata sa akin eh. Bakit naman nagko-callboy ka pa?” tanong ko sa kanya.

    Nag-isip muna s’ya ng ilang segundo bago sumagot. “Kasi dun ko lang na-eexpress yung kung sino talaga ako.”

    “Ha?”

    “Kasi gusto ko na normal yung tingin sa akin ng tao. Kaya ang pinapakita ko ay yung lalaking side ko. Syempre may parte yung pagkatao ko na feminine. Sa ganito ko lang nailalabas yung feminine side ko as a bisexual. Ayaw ko naman kasi mag-approach ng tao tapos magyaya ng sex ng ganon-ganon nalang kasi baka isipin nila eh ang manyakis ako-- ”

    “Which is hinde?” sabad ko.

    “Hindi ah! May mga panahon talaga na mas gusto ko ang lalake.” paliwanag n’ya. “Nakaka-hiya kasi mag-approach at mag-alok ng casual sex. Kasi pano kung tanggihan ako? Eh di para akong binuhusan ng tubig. Pero kung callboy yung approach ko, kung tanggihan ako eh hindi ganon nakakahiya. Basta mahirap ipaliwanag. Hahaha!”

    “Okay. So meaning kaya mo ako in-approach kanina kasi gusto mo rin ako maka-jerjer at hindi dahil mukha akong maraming pera?”

    “Oo.”

    Sabi ko na nga ba eh! Maganda naman talaga ako. Ang kinis-kinis ko kaya.

    “Gusto mo ituloy natin? Alam mo n rin naman yung totoo.” alok n’ya ulit sa akin.

    “Free na ito?” Kafal-kafalan na ito.

    “Gusto mo share pa tayo sa bayad eh.”

    “Bakit naman ako sasama sa’yo? Ni hindi ko pa nga alam yung pangalan mo.”

    “Hahaha! Ang arte m naman! Llyod ang pangalan ko. Ano tara?”

    “Hihihihi...”

    The End *Wink*



    *Pangalan ng Mall na malapit sa amin. Syempre hindi ko ilalagay kasi malalaman n’yo kung saan ako naka-tira? Heller?

0 comments:

Post a Comment

I am open for criticisms but please make it constructive